Go, isinulong ang Immigration Modernization bill

Muling ipinakilala ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa 19th Congress ang kanyang Senate Bill No. 1185 o ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act of 2022.

Ito ay upang mas mapabuti pa ang mga serbisyo ng imigrasyon, magkaroon ng border control at malabanan ang katiwalian sa bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Palinawag ni Go, kailangan umanong i-update ang sistema ng imigrasyon sa bansa upang ipakita ang mga kasalukuyang hamon ng modernong panahon.

Ang naturang panukala ni Go ay naglalayong i-upgrade ang mga kasalukuyang posisyon ng mga opisyal at empleyado ng ahensya upang sapat na matugunan ang mabilis na pagtaas ng mga serbisyo ng imigrasyon sa Pilipinas.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga coterminous position ay ililikha para sa Office of the Commissioner at Deputy Commissioners.

Ang paglikha ng mga bagong posisyon sa ilalim ng panukalang batas, ayon kay Go, ay maaaring magpalakas sa produktibidad at kahusayan ng BI.
#