39 anyos na babae huli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga  kapulisan sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 39 anyos na babae ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Daet MPS kasama ng mga tauhan ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU) ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV sa Purok 1, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.

Ang operasyon ay isinagawa kahapon , dakong 2:30 ng  madaling araw kung saan ang suspek kinilalag si alyas “MAE”, residente ng Purok 1, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ang nabanggit na personalidad kabilang sa listahan ng Drug Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) 2022 ng Daet MPS

Ang mga nakuhang iligal na droga ay tinatayang nasa isang (1) gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 3,000.00.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kasong paglabag naman sa Section 5 & 11 ng Article II of RA 9165 ang inihahanda ng Daet MPS parta sa pagsasampa ng kaso sa korte laban sa suspek.

Sa kasalukuyan ay nakapiit na ang naarestong babae sa himpilan ng Daet MPS upang kaharapin ang kaso laban sa kanya.