Klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Zambales sinuspendi ngayong araw

Sinuspendi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang pasok sa paaralan sa lahat ng antas ngayong araw.

Ito ay dahil na rin sa malalakas na ulang nararanasan sa probinsya dala ng epekto ng Severe Tropical Storm Florita.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Base sa abiso ng National Disaster Risk Reduction Management Council ay nasa Orange Rainfall Warning ang Zambales.

Kaninang umaga ay may punong bumagsak sa National Road, Barangay Binoclutan, Botolan na agad namang nilinis ng mga otoridad.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Paalala naman ng Local Government sa publiko na manatiling updated sa mga anunsyo at sumunod sa mga abiso.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Zambales for the People