Ilang linggo matapos masunog ang kanilang bahay sa United States, nakalipat na rin kaagad ang Filipina soul-singer na si Jaya at ang kanyang pamilya sa bago nilang tahanan sa Silverdale, Washington.
Ibinahagi ni Jaya ang magandang balita sa pamamagitan ng kanyang post sa social media kahapon matapos nitong ibahagi ang mga larawan ng kanilang pamilya sa bago nilang tirahan.

Sa isang Instagram post, nagpaabot ng pasasalamat ang singer sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kanila sa iba’t-ibang pamamamraan.
Base sa mga larawan sa post ni Jaya, kapansin-pansin mula sa bago nilang tahanan ang magagandang tanawin sa labas.
Nag-selfie rin ang pamilya sa harapan ng bahay na nagtatampok ng ash color nilang brick walls.
Samantala, nagpasalamat rin ang singer sa Diyos sa mga biyayang natatangap niya at ng kaniyang buong pamilya. (RSB | JAYA IG PHOTO)