Unang araw ng school year 2022-2023, nag-umpisa na

Lumarga na ngayong araw ang first day of classess para sa school year 2022-2023.

Ayon sa Department of Educaiton, aabot sa mahigit 27 million learners ang nagsipag-enroll at inaasahang papasok ngayong araw.

Matapos ang dalawang taong implementasyon ng online mode of learning dahil sa pandemya ng COVID-19, mayorya sa mga paaralan sa bansa ay nagpatupad na ng face-to-face classes; habang mayroon pa ring iilang mga nagpatupad ng blended learning.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Samantala, sinabi ng Philippine Naitonal Police na nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na seguridad sa mga paaralan, pati na rin ang pagpapataas ng police visibility sa mga major thouroughfares kabilang na ang mga pangunahing kalsada at mga terminal.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Samamtala, ngayong araw naman ay dumalo si Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa programa sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.

Dito ay inumpisahan na ang pamamahagi ng P5,000 na allowance para sa mga guro.

Sa panayam, sinabi ng Dinalupihan Elementary School Principal na si Jane Robles na mayroong nasa 1,500 learners sa kanilang paaralan.
#