Bangkay ng isang lalaki, Natagpuan sa Pagbilao, Quezon

Bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa Diversion Road, Sitio Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon, ngayong Sabado ng umaga, Agosto 20.

Ayon sa police report, bandang 7:40 ng umaga ng makarating ang mga personahe ng Pagbilao Municipal Police Station (MPS) sa naturang lugar matapos makatanggap ng tawag mula ng isang concerned citizen.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kinilala ang biktimang si Arnold Pontiveros residente ng Brgy. Cotta, Lucena City na nagtamo ng sugat sa ulo na posibleng naging sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ay wala umanong nakitang basyo ng bala sa naturang lugar.

Samantala patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang posibleng motibo sa naturang insidente. (BNFM LUCENA | NHIECOLE ABEJO)