Dalawa pang mga bagong kaso ng monkeypox sa bansa, naitala ng Department of Health

Kinumpirma ng Department of Health na nakapagtala ito ng dalawa pang mga bagong kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Sa media forum, sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na tatlo na ang kumpirmadong monkeypox cases sa bansa.

Ang case no. 2 ay isang 34 year-old patient na payroong travel history sa mga bansang mayroong confirmed case ng monkeypox.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Nananatili naman ito ngayon sa home isolation.

Samantala, ang case no. 3 naman ay isang 29-year-old na mayroon ding travel history sa bansang mayroong kaso ng monkeypox.

Identified na ang 17 close contacts nito at nagpaptuloy ang contact tracing.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Naka-isolate na rin ito sa isang health facility.

Samantala, ang unang kaso ng monkeypox sa bansa ay na-discharge na sa isolation noong August 6.

Wala na ring sintomas ang sampung close contacts ng case no. 1 at natapos na ang kanilang quarantine.
#