Mahigit 16K senior citizens sa Albay, tatanggap ng social pension na hindi bababa sa P1500 – Sangguniang Panlalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay na aprubado sa sesyon ang karagdagang social pension matapos sang-ayunan ng mga Board Member.

Ayon sa Provincial Government of Albay, nasa 16,666 na senior citizens ang tatanggap ng hindi bababa sa P1,500 social pension simula sa taon 2023.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Aabot sa P25M na kabuuhang alokasyon ang inilaan rito ng Pamahalang Panlalawigan.

Layunin nito na makatulong dahil nagtataasan na rin ang mga bilihin sa merkado, gamot at ng iba pang mga pangangailangan sa emerhensya.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Maliban pa rito tinatayang P30K naman na tulong ang ibibigay sa mga senior citizens na umabot sa edad na 90 taong gulang pataas.

Samantala, nanumpa na rin ang mga bagong hanay ng mga opisyal ng Albay Senior Citizen’s Association na pinangasiwaan ng Gobernador ng Albay.