Sugar Regulatory Administration, magkakaroon ng balasahan sa gitna ng isyu ng importasyon

Target ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magkaroon ng balasahan sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sinabi ng Pangulo na sa loob ng linggong ito ay itatakda niya ang reorganization sa SRA.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Kaugnay nito, sinabi pa ni Marcos na ipinauubaya na niya sa Kongreso at Senado ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyal na Sugar Order 4.

Sa ngayon kasi sinabi ng Pangulo na mas nakatuon siya sa mga gagawin nilang hakbang para hindi tuluyang kapusin ang bansa sa suplay ng asukal.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Nangangamba ang Pangulo na baka raw dumating ang panahon na pati ang mga manufacturer ng iba’t-ibang produkto ay magkaroon na rin ng shortage sa suplay ng asukal.
#