Sampung libong mga NPA, inaasahang magbabalik-loob – OPPAPRU

Umaasa si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez Jr., na aabot mula walong libo hanggang sampung libong miyembro ng New Peoples Army o NPA ang susuko at magbabalik loob na sa gobyerno sa mga susunod na buwan.

Read More:  Marcos declares 2026 ASEAN Summit a success

Sa Malacañang Press Briefing, sinabi ni Sec. Galvez na sa ngayon ay patuloy ang kannilang negosasyon sa mga miyembro ng CPP-NPA.

Patuloy aniya nilang hinihimok at hinihikayat ang mga ito na magbalik loob na sa gobyerno upang mas lalong makamit ng bansa ang katahimikan.

Read More:  Marcos Seeks more foreign investments at APEC Summit

Aniya, lagi lamang naririyan ang gobyerno upang tulungan ang mga rebeldeng grupo ng walang karahasan na magaganap.
#