Press Secretary Angeles, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo rin si Press Secretary Cruz Angelez sa COVID-19.

Sa Facebook post ni Angeles, sinabi nitong lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR ngayong umaga at kumpirmadong na-infect din ito ng nakahahawang virus.

Asymptomatic naman si Angeles at sa bahay na muna magta-trabaho habang naka-isolate.

Dahil dito, hinikayat nito ang publiko na magpabakna na at magpa-booster shot.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Kinumpirma rin ni Angeles na maayos naman ang kundisyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nagpositibo rin ang acting chairperson ng MMMDA na si Carlo Dimayuga.

Ayon sa PIO ng MMDA, nagpositibo ang resulta ng antigen test ni Dimayuga at sa ngayon ay nakararanas lamang ito ng mild symptoms.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Sasailalim si Dimayuga sa pitong araw na isolation.

Samantala, kinumprima rin ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na nagpositibo rin ito sa COVID-19.

Sa Facebook post ng alkalde, sinabi nitong nakararanas ito ng sipon, mababang lagnat, at pangangati ng lalamunan.

Mild lang naman daw ang kanyang mga sintomas at maayos ang kanyang kalagayan.
#