Central at Southern Luzon apektado ng Habagat

Apektado ng Southwest Monsoon o Habagat ang western sections ng central at Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Read More:  Cendana seeks more mental health funds after Ateneo shooting

Posible pa rin ang mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog at pagkidlat kaya’t pinag-iingat ang mga residente sa mga apektadong lugar.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Maglalaro naman sa 25.6 degree celsius hangang 31.6 °C ang temperatura sa bansa.