Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon

Patuloy na magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang Southwest Monsoon sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Northern Palawan, at Kalayaan Islands.

Sa gitna nito nagpa-alala ang PAGASA, ng mga kalat-kalat na pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng ulan, lalo na sa mga hazard prone areas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices

na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.