Mga mangingisda, huli sa ilegal na pangingisda sa Agutaya- PNP

Huli sa Barangay Concepcion, Agutaya, Palawan nitong madaling –araw ng Miyerkules ang mga mangingisda dahil sa ilegal na pangingisda.

Batay sa ulat ng Palawan Provincial Police, nilabag ng mga mangingisda ang Republic Act 10654 (Philippine Fisheries Code of 1998.)

Ang mga nahuli ay sina Lorvin Catugoran Evangelista, 21 anyos engine operator at boat captain ng isang motor banca at ang mga kasama niyang mangingisda na sina Crisostomo Maat Radoc, 43, Lorencio Mirasol Mendez, 26 at si Prechival Quincela Batuigas, 23 na pawang mga residente ng Barangay Agutaya.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Maliban dito, isang motor banca din ang kasama nilang hinuli kasama ang boat captain na si Morena Tayo Gela at sina Wilfredo Baterna Simbahon, 32 anyos engine operator; at John Rey Gela Polloso, 29 pawang mga nakatira sa Barangay Concepcion, Agutaya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, sa isang motor banca ay huli din ang kapitan ng Bangka na si Reneboy Rosales Bohol, 42 kasama ang crew na si Bobit Matinong Viceno, 30 anyos.

Ang mga sasakyang pandagat ay namataan sa seaborne patrol ng pulisya sa karagatan ng Agutaya kung saan naaktuhan ang mga mangingisda na nagko-compressor.

Kinumpiska ng awtoridad ang mga ebidensya at mga bangka.