Masinloc dialysis center malapit nang pasinayaan

MASINLOC- Papasinayaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Masinloc ang itinayo nitong Dialysis Center.

Sa darating na June 25 ay nakatakdang pasinayaan at buksan ang Masinloc Dialysis Center sa bayan.

Ito ang kauna-unahang dialysis center sa lalawigan na magbibigay ng libreng serbisyo sa lehitimong mamamayan ng Masinloc.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Municipal Admiinistrator Glenn Elayda, ang hirap sa pagbibyahe sa malalayong lugar at gastos sa pagpapa-dialysis na inihhingi pa ng tulong sa mga charity institutions ang nagbunsod upang magpursige ang lokal na pamahalaan na maka-pagpatayo nito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Matatandaan na May 11 nang ianunsyo ng LGU na dumating na ang mga bagong makina at kagamita para sa gusali.//Russell Banawa- BNFM IBA

Photo Courtesy: Serbisyon Potog nin Masinloc

May be an image of 1 person, food and text