Publiko, hinihikayat ng DOH 12 na magpabakuna ng 2nd booster shot laban sa COVID 19

KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Health o DOH Region 12 ang mga eligible na na makatanggap ng ikalawang booster shot laban sa COVID 19 na makipag-ugnayan sa mga healthworkers sa kanilang lugar upang mabigyan ng schedule at mabakunahan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ito ay bahagi ng “PinasLakas”, ang mas pinaigting na vaccination campaign ng gobyerno laban sa naturang virus.

Kabilang sa maaari nang makatanggap ng ikalawang booster dose ang mga may edad 50 anyos pataas at mga may edad 18 hanggang 49 years old na may comorbidities na nabakunahan ng unang booster dose noong nakaraang apat na buwan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang mga ito ay maaaring turukan ng Pfizer o Moderna vaccine.