Infrastructure investment sa SoCot, tinututukan ng militar

KORONADAL CITY — TINUTUTUKAN ngayon ng 11th Special Company at 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army na naka-base sa South Cotabato ang Critical Infrastructure Investment Protection Security Operation o CIEPSO.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Captain Artemio Sombreo, ng 11th Special Company at 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na binabantayan ng mga kasundaluhan ang mga lugar kung saan may nagpapatuloy na construction ng mga daan at iba pang infrastructure project.
Ayon kay Sombreo, layunin nito na hindi maantala ang proyekto ng gobyerno lalo na sa mga malalayong lugar o barangay na kung minsan ay ina-atake ng mga armadong grupo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nilinaw din nito na tumutulong din sila sa paghahatid ng mga programa at proyekto sa mga malalayong lugar.