5 huli sa pagtutupada sa Taytay

Huli ang limang (5) kalalakihan na inabutan ng pulisya sa ilegal na pagsasabong o tupada sa Purok 2, Brgy. Sandoval, Taytay, Palawan.

Iniulat ng Palawan Provincial PNP nang mahuli noong Sabado ganap na 1:30 ng hapon sina JURILIN VILLAFUERTE REPE, construction worker, GODOFREDO REPE REHENTE, 24 construction worker, ELINITO MAGDAYAO REPE, 34 anyos  na pawang mga residente ng Brgy Sandoval, Taytay, Palawan at sina FREDDIE OPANDA PALO, 52 at ROBERT JANORAS FRANCISCO, 34 anyos ng Brgy Busy bees, Taytay Palawan.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days
Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Hinuli sila ng mga tauhan ng Taytay PNP at 401st B, MC RMFB 4B at kinumpiska sa kanila ang mga ebidensya.

Dinala sa Taytay Police Station ang mga suspek at nahaharap sila sa paglabag sa Presidente Decree 1602 (Illegal cockfighting).