Naniniwala si Senador Robin Padilla na malaking tulong para sa Disaster Response ang pagbabalik ROTC

Ayon kay Padilla isa ito sa mga dahilan kung bakit inihain niya ang Senate Bill 236.

Paliwanag ng mambabatas kung buo ang ROTC ay madaling tawagin ang mga ito sa oras ng sakuna katulad ng nangyaring 7.0 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Idiniin ni Padila na kailangan ang disiplina at command structure para mabilis at maayos ang pag-mobilize ng tulong.

Read More:  Chinese Communist Party possibly behind fake letter using DND chief’s name — AFP

Ayon sa Senate Bill 236 na ihinain ni Padilla, ibabalik ang ROTC bilang requirement sa undergraduate degree o diploma programs sa pampubliko at pribadong tertiary-level na paaralan.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Basic ROTC Program ay may training sa:

* External and Territorial Defense

Read More:  Gracioso allegations may be included in Vice President Sara Duterte impeachment case if proven — House prosecution

* Internal Security, Peace and Order and Public Safety

* Disaster Risk Reduction and Management

* Human Rights and Humanitarian Law

Exempted naman sa panukala ang mga “physically or mentally unfit to render military service,” ang persons with disability, at mga na-convict sa criminal offenses involving moral turpitude.