PRO3 Pinaghahandaan na ang seguridad sa pagbubukas ng klase

Pinaghahandaan na ng Police Regional Office 3 ang pagpapatupad ng seguridad sa darating na pasukan sa Agosto.

Ayon kay PRO3 Dir. PBGen Matthew Baccay, tinitiyak ng PNP ang seguridad ng mga mag-aaral at guro sa pagbabalik muli ng klase dahil inaasahan na rin na mas marami ng mamamayan ang lalabas.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng hanay sa Department of Education at iba pang mga stakeholders bilang bahagi ng kahandaan.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Pinaalalahanan naman ni PBGEn Baccay ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang mga health protocols habang nasa pandemya.//Jen Bayoty-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PRO3