Umano’y tulak ng iligal na droga patay sa operasyon sa Nabua, Camarines Sur

NAGA CITY- Patay sa drug buybust operasyon ang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Nabua, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito sa sementeryo ng Barangay La Pusirima kung saan target ang nasawing si  Junnel Uvero y Miday, 30-anyos. Sa gitna ng operasyon nakatunog ang subject na pulis ang kaniyang katransaksyon, nakasaad pa sa report ng pulisya na bumunot ng baril at pinaputukan ang operatiba, gumanti naman ng putok ang mga otoridad laban sa suspek. Dinala ito sa ospital subalit hindi na nakaligtas.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nakuha rito ang buy bust item, baril na may 5 bala at 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Paul Cabug, hepe ng Nabua MPS, sinabing batid nila na may armas ang suspek, sa katunayan 2020 pa ito nagbanta na tatablahin niya ang poster buyer noong unang maaresto.