Senado, naghahanda na para sa pagbubukas ng 19th Congress

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Senado para sa pagbubukas ng 19th Congress sa Lunes.

Nakatakdang magsimula ang kauna-unahang regular session ng Senado matapos mag-convene ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Lunes.

Sa katunayan, ikinabit na ang mga name plate ng mga bagong senador kabilang ang name plate nila Senador Robinhood Padilla, Senador Raffy Tulfo at iba pa.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Tapos na ring i-test ng Senate Public Relations and Information Bureau ang mga audio at video equipment na gagamitin para sa sesyon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Na-install na rin ng mga personnel mula sa Senate Maintenance and General Services Bureau ang ilan pang ‘finishing touches’ sa desk ng mga Senators.

Mapapanood naman sa iba’t-ibang social media platforms sa pamamagitan ng live streaming ang bawat sesyon ng Senado.(CLAY MARQUEZ | SENATE PRIB PHOTOS)
#