Albayano teacher, nakatanggap ng 2 International awards

LEGAZPI-Isang guro mula sa Albay ang nakatanggap ng international excellence awards 2022 na ginawa virtual.

Si Joseph De leon Advincula mulang Jovellar Albay ang isa sa awardee ng outstanding young professional of the year.

Ayon kay Advincula, dalawang International awards ang kanyang natanggap, ang Asia’s Multi-Faceted Educator and Exceptional Advocate  for Mental Health at Outstanding Young Professional of the year.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Hindi rin niya inasaahan na makikilala ang kanyang kontribusyon bilang propesyonal na lumalaban sa mental health awareness sa bansa.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Aniya, 2019 nang inumpisahan ang isang proposal na Bantay Kabataan Kausap Program na nabuo dahil isa rin siya sa nakaranas ng matinding depresyon.

Bagamat walang permanenteng pondo, patuloy pa rin umano ang kanilang pagsuporta at pagtungo sa mga tao o indibidwal na nakakaranas ng depresyon.