Teachers’ group, dismayado sa resulta ng K-12 program sa nakalipas na 10 taon

Binigyang diin ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na bigo ang K-12 basic education system program ng gobyerno na ma-fulfill ang kanilang pangako.

Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, na noong magsisimula ang naturang programa, 10-taon na ang nakakaraan ay pinag-uusapan na umano nila ito.

Read More:  Manny Pacquiao named new NAPC Secretary and Lead Convenor

Kaugnay nito, naglabas rin umano sila ng issues, concerns, at pagtutol.

kabilang umano sa mga pangakong ito ay ihanda ang mga bata para sa tertiary education, maitaas ang “employability” o kahandaan ng mga bata sa workforce, at ma-enhance ang skill competency para sa global market.

Read More:  Ex-speaker Martin Romualdez tagged as ‘flight risk’ by PNP

Ang pahayag ng TDC ay kasunod ng pagpapalabas ng Pulse Asia sa resulta ng kanilang latest survey, na nagsasabing malaki ang bilang ng Filipino adults ang “dissatisfied” sa K-12 program.