Ikatlong sunod na rollback sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo

Bahagya nang makapagluluwag ng sinturon ang ating mga KaBrigadang motorista dahil asahang muli ang panibagong round ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Atty. Rino Abad, posible ang hanggang P4.00 na tapyas sa kada litro ng gasolina.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Asahan na rin ang piso hanggang dalawang pisong rollback sa kada litro ng diesel.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Mag-aanunsyo ang mga oil companies ng eksaktong price adjustment sa Lunes, habang ipatutupad naman ito sa araw ng Martes.