Booster shot available na para sa mga batang edad 12- 17

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo nitong Biyernes, Hulyo 8, 2022 ng Department of Health Bicol na available na ang booster shot para sa mga batang edad 12- 17 taong gulang.

Sa gitna ito ng pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 kaya hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ng booster a dose ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na Health Center.

Sa isang pahayag sinabi ng DOH na nagsimula na ang pagbibigay ng booster shot sa ilang lugar sa Bicol.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang booster o additional doses ay magbibigay umano ng kumpletong proteksyon kontra Covid- 19 at sa mga bagong variant na lumalabas.

Ang mga babakunahan ng booster dose ay ang immunecompromised, non-immunocompromised at ang nalalabing populasyon ng mga bata sa naturang age group.

Ang immunocompromised ay babakunahan ng booster dose  28 araw pagkatapos mabakunahan ng second ng primary dose series.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Habang ang non-immunocompromised at nalalabing young population ay bibigyan ng booster dose 5 buwan pagkatapos ng second dose.

Ang booster dose para sa edad 12- 17 anyos ay Pfizer-BioNTech.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Operation Center nasa 59, 851 o 76 percent ng target population na 78, 413 ang nabakunahan na sa naturang age group.