Tatlong disputed songs ni Michael Jackson, inalis sa mga streaming sites

Inalis ng Sony sa mga streaming sites ang tatlong disputed songs o pinagtatalunang kanta ni Michael Jackson.

Kabilang dito ang Breaking News, Monster at Keep Your Head Up na inilabas noong 2010 sa isang compilation album, isang taon matapos pumanaw si Jackson.

Read More:  IU and Lee Jong Suk confirm breakup

Maraming fans ang nagsasabi na ang lyrics umano ng nasabing mga kanta ay mula sa American session singer na si Jason Malachi na itinanggi naman ng management ng Sony.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Samantala, iginiit ng naturang pamunuan na mananatali namang available ang iba pang pitong tracks ni Jackson. (ARGIE ERGINA)