175,000 makakabenepisyo sa Birth Registration Assistance Program ng PSA 12

KORONADAL CITY- NASA 175,000 na mga mamamayan sa rehiyon 12 ang target ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 12 na marehistro ng libre at mabigyan ng birth certificate.

Ito ang inihayag ni PSA 12 regional director Atty. Maqtahar Manulon sa ilalim ng Birth Registration Assistance Program.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Layunin nito na matulungan ang mga indibidwal na walang pambayad na marehistro at mabigyan ng libreng birth certificate.

Kaugnay nito, nananawagan si Manulon sa publiko na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung mayroon ang mga itong mga kakilala na wala pang birth registration upang matulungan.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Prayoridad sa Birth Registration Assistance Program ang mga marginalized sector.