Palawan Governor Victorino M. Socrates, na-covid!

Tinamaan ng COVID-19 ang bagong gobernador ng Palawan na si Victor Dennis M. Socrates, ayon sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ilalabas ngayong araw ng Martes ang RT-PCR Test result ng gobernador habang siya’y naka-isolate na dahil sa sintomas ng virus.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa Provincial information Office, ang lahat ng empleyadong nakasalamuha ng gobernador ay pinayuhan nang mag-self isolate at sumailalim sa RT- PC test sa Miyerkules.

Kaugnay nito, ang mga nakasalamuha ng gobernador sa nakalipas na limang araw ay pinayuhan din na i-monitor ang sarili kung may sintomas ng virus.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Provincial Health Office sa mga posibleng naging closed contact ng opisyal.