PH, pinaplano na ang re-deployment ng caregivers sa Israel kasunod ng ceasefire

Plano ng gobyerno na i-redeploy ang daan-daang Pinoy caregivers sa Israel matapos ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas na tumapos sa ilang araw na karahasan sa rehiyon. 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mino-monitor ng pamahalaan ang nagpapatuloy na truce.

Aniya, kokonsultahin din nya si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kung ligtas na mag-deploy muli ng mga Pilipino sa Israel. 

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Dapat umano kasing masigurong rerespetuhin ng magkabilang panig ang ceasefire dahil baka mayroong lumabag dito.

Mababatid na una nang itinaas ng gobyerno ng Pilipinas ang alert level 2 sa Gaza na nangangahulugang susupendihin ang deployment ng mga Filipino workers sa area. 

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Matatandaang nag-ugat ang kaguluhan sa lugar matapos na magsagawa ng police raids sa al-Aqsa noong Ramadan at ang planong pagpapaalis ng Jewish settlers sa East Jerusalem sa mga Palestinians sa kanilang mga tahanan.

Nagkasundo ang Israel at dalawang main armed group sa Gaza na magtigil putukan noong nakaraang linggo na tumapos sa 11 araw na karahasan na ikinamatay ng daan-daang indibidwal kasama na mga bata