Marcos, pinalawig ang libreng sakay sa EDSA Carousel at train rides para sa mga estudyante

Kasabay ng pag-upo ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pwesto, pinalawig niya ang libreng sakay sa EDSA Carousel bus at train rides para sa mga estudyante.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), extended ang free EDSA Carousel bus rides hanggang Disyembre ngayong taon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Magsisimula naman ang free rides para sa mga students simula ika-22 ng Agosto hanggang ika-4 ng Nobyembre sa MRT-3, LRT-2 at PNR.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Samantala, sinabi ng DOTr na inaprubahan ito upang makabawas sa tumataas na gatos ng bawat pamilyang Pilipino lalo na sa pagbabalik ng face-to-face classes makalipas ang dalawang taon.

(ARGIE ERGINA)