Jokic mananatili sa Nuggets matapos lumagda sa $264-M supermax 5-year extension

Mananatili si two-time NBA Most Valuable Player Nikola Jokic sa Denver Nuggets matapos itong lumagda sa $264 million supermax 5-year contract extension.

Ito na umano ang pinakamalaking kontrata sa kasaysayan ng liga ayon sa report ng US media.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Sa ulat ng Denver Post inaasahan na nila ang pananatili ng Serbian star sa Nuggets matapos ang pahayag nitong hindi ito interesadong lumipat ng ibang koponan.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Una nang sinabi ni Jokic na maayos ang relasyon nito sa lahat mula sa owner hangang sa equipment manager ng Denver Nuggets.