Kaso ng HIV sa SoCot sa 1st quarter ng taon, nasa 110 na

KORONADAL CITY — UMAABOT sa 110 ang mga new reactive cases ng human immunodeficiency virus o HIV sa South Cotabato sa unang quarter ng 2022.

Ayon kay John Arlo Codilla, Nurse III ng IPHO-South Cotabato sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal, isasailalim pa sa confirmatory evaluation ng central office ang nasabing mga kaso habang ginagamot na ito sa provincial level.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inihayag ni Codilla, na kaagad silang nagbibigay ng mga antiretroviral medicine sa mga nakitaan ng infection.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sinabi din nito na isinasailalim nila sa evaluation ang nasabing mga kaso upang malaman kung saan nakuha ng isang pasyente ang HIV nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang kanilang pagtutuk sa mga pasyenteng may HIV sa lalawigan.