Koronadal, nasa critical zone sa ASF

KORONADAL CITY — MAITUTURING na nasa critical condition ang estado ng Koronadal sa African Swine Fever o ASF dahil sa mga kumpermadong kaso nito sa mga katabing bayan ng Banga at Surallah.

Ito ang inihayag ni City Veterinary Officer Dr. Charlemagne Calo sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dahil dito, mas pina-igting umano nila ang awareness sa publiko at mahigpit na biosecurity sa buong lungsod.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Apela na lamang ni Calo sa mga hog raisers sa lungsod na i-harvest na ang kanilang mga alagang baboy kung nasa tamang edad na upang makabawi pa sa kanilang mga gastos.