PNP, inilagay sa ‘alert status’ ilang araw bago ang inagurasyon ni Marcos

Inilagay sa ‘alert status’ ang buong Philippine National Police (PNP) ilang araw bago ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, dapat umanong asahan ng publiko ang mas pinahigpit na seguridad para sa papalit na inagurasyon ng susunod ng pangulo ng bansa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Aniya, ‘all systems go’ na ang lahat ng kapulisan para sa naturang oath taking ceremony lalo na sa National Museum kung saan ito gaganapin.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Samantala, nasa 6,000 ang idedeploy na mga pulis sa mismong araw ng pagtitipon kung saan ipapatupad din ang gun ban hanggang ika-2 ng Hulyo. (ARGIE ERGINA)