Tulfo, nais ituloy ang drug war ngunit magfo-focus sa rehabilitasyon

Nais ituloy ni Senator-elect Raffy Tulfo ang drug war ng outgoing administration ngunit magfo-focus ito sa rehabilitasyon.

Ayon kay Tulfo, ayaw na niya itong maging madugo kung saan itutuon niya ang pagpapatayo ng rehabilitation centers para sa mga nalulong sa droga.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Hinimok niya ang susunod na administrasyon na dapat tanungin agad ang mga susukong drug addict kung willing umano itong pagparehab at kung gusto nitong tuluyang magbago.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Samantala, matatandaang inatasan ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber ang ICC Prosecutor noong September 2021 na imbestigahan ang naturang drug war sa Pilipinas.

(ARGIE ERGINA)