Hindi global health emergency ang kasalukuyang monkeypox – WHO

Inihayag ng World Health Organization (WHO) na hindi pa umano global health emergency ang kasalukuyang naitatalang mga kaso ng monkeypox.

Matatandaang sumipa ang kaso ng naturang virus sa Western Europe nitong Mayo kung saan dati itong naitala sa West at Central African countries.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Base sa datos, nasa 3,200 ang mga nakumpirmang kaso nito at isa ang naitalang nasawi mula sa 50 na mga bansa ngayong taon.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Samantala, sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi pa umano ito isasailalim sa Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) ang monkeypox.

(ARGIE ERGINA)