44% na mga Pilipino, umaasa ng mas magandang buhay sa mga susunod na buwan – SWS

Nakasaad sa Social Weather Stations (SWS) survey na nasa 44% na mga Pilipino ang umaasa ng mas magandang buhay sa mga susunod na buwan.

Sa 1,440 na mga respondents maliban sa 44% na umaasa ng pagbabago sa buhay, ay nasa 39% naman ang nagsasabing walang pagbabago na mangyayari sa susunod na 12 buwan.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Nasa 4% naman ang nagsabing mas lalala ang estado ng kanilang pamumuhay habang nasa 13% hindi nagbigay ng kanilang sagot.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, ayon sa SWS, isinagawa ang naturang face-to-face interviews simula ika-19 hanggang 27 ng Abril ngayong taon sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao. (ARGIE ERGINA)