PCG, ipinakita ang mga floating asset na gagamitin sa inagurasyon ni Marcos

Ipinakita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga floating asset na gagamitin sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Jr.

Bukod dito, may tatlong barko din na ilalagay ang PCG sa Manila Bay upang masiguro ang seguridad sa naturang oath taking sa darating na June 30.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Ayon kay PCG commandant Admiral Artemio Abu, papayagan nila ang mga magpo-protesta pero hindi umano sila maaaring lumapit sa National Museum kung saan gagawin ang pagtitipon.

Read More:  Paolo Duterte challenges Palace claim over davao city’s P52.80-billion funds

Samantala, nasa 500 na mga miyembro ng Coast Guard ang ipapakalat sa mismong araw ng nasabing inagurasyon. (ARGIE ERGINA)