PNP, inanunsyo na naging payapa ang inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na naging payapa ang inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte nitong Linggo na ginanap sa Davao City.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., free of violence ang naturang pagtitipon dahil sa koordinasyon ng law enforcement agencies at well-planned and executed security plan.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Sinabi ng PNP na nasa 600 ang mga VIPs na dumalo sa nasabing inagurasyon at nasa 20,000 katao naman ang nakilahok sa misa.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Samantala, tuloy-tuloy naman umano ang kanilang preparasyon sa oath taking ceremony ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mangyayari sa katapusan ng buwan.

(ARGIE ERGINA)