Kampo ni Robredo, pakakasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media

Inihayag ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo na kinokonsidera nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media pagkatapos ng kanyang termino.

Ayon sa spokesperson ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, maglulunsad sila ng isang malawakang pagkilos para matugunan ang mga paninira at kasinungalingan na kumakalat sa internet.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Klaro umano itong isang klase ng kalakaran na nakakasira sa demokrasya at maayos na diskursong pampubliko.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Samantala, sinabi ni Gutierrez na para din umano ito sa kabutihan at kapakanan ng ating bansa kung saan kailangang lumabas ang totoo. (ARGIE ERGINA)