Sara Duterte, pormal nang nanumpa bilang ika-15 Vice President

Pormal nang nanumpa si Sara Duterte bilang pang ika-15 pangalawang pangulo ng Pilipinas, Linggo, June 19.

Ang inagurasyon ni Duterte ay isinagawa sa San Pedro Square sa Davao City — ang kanyang hometown, kung saan siya ang outgoing mayor.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Kaugnay nito, pinangunahan ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando ang oath-taking ni Duterte.

Bago nito, isang thanksgiving mass muna ang isinagawa na dinaluhan ni Archbishop Romulo Valles, sa San Pedro Cathedral.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Samantala, dumalo naman sa inagurasyon ang ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte, at inang si Elizabeth Zimmerman, na nagsilbi ring bible bearer. //MHEL PACIA