PNP, mariing iginiit na walang kaugnayan si PNP-OIC Danao sa pamilya Sanvicente

Mariing iginiit ng Philippine National Police (PNP) na walang personal na ugnayan sila PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. at ang pamilya ng SUV driver na nanagasa sa security guard sa Mandaluyong City.

Sa isang panayam, muling pinasinungalingan ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo ang mga kumakalat na impormasyon na kakilala umano ni Danao ang pamilya Sanvicente.

Nilinaw ng PNP spokesperson na sa pamamagitan ng ‘intermediaries’ kung kaya’t na-contact ng pamilya Sanvicente si Danao noong ito ay sumuko sa mga awtoridad.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Aniya, ang mga magulang mismo ni Jose Antonio San Vicente ang naghanap ng paraan para makipag-ugnayan kay Danao at hindi diretso agad sa PNP-OIC.

Umaasa naman ang PNP na sa oras na maisampa sa korte ang kaso at makapag-issue ng warrant of arrest ay ito na ang magiging legal basis para maisailalim sa PNP custody ang suspek.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa kabilang banda, sinabi ni Fajardo na naiintindihan din nila ang nararamdaman ng ating mga kababayan kaugnay sa sinasabing ang hustisya ay para lamang sa mga magiginhawa ang buhay at sa mga may kapit sa itaas.

Sinisiguro umano ng PNP na kapag nagpatupad sila ng batas ay wala silang pinipiling kulay o anumang estado sa buhay.(CLAY MARQUEZ)
#