DA, itinangging may kakulangan sa suplay ng manok

Itinanggi ng Department of Agriculture na may kakulangan sa suplay ng manok sa mga merkado.

Ito ay sa gitna na hindi maitatangging tumaas rin ang presyo ng chicken products.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Noong June 2021, nasa P170 lang ang presyo sa bawat kilo ng manok, taliwas sa P190-P200 kilo sa karamihan sa mga pampublikong palengke sa sa Metro Manila ngayon.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Dahil dito, apektado na ang ilang mga restaurants na ang pangunahing menu ay fried chicken.

Sa katunayan, may ilang kainan o fast food chain ang pansamantala nang tinanggal sa menu ang manok. //MHEL PACIA