Defense Secretary Lorenzana, nawalan ng malay sa gitna ng Independence Day celebration

Nawalan ng malay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng Independence Day celebration na ginanap sa Rizal Park sa Maynila nitong Linggo.

Agad na itinakbo sa ospital ang 73-anyos na kalihim kung saan napag-alaman na kakulangan umano sa pahinga ang posibleng dahilan ng pagkahimatay nito.

Read More:  COMELEC reminds political parties, party-list groups of December 18 deadline for 2028 election requirements

Nag-paabot naman ng pasasalamat si Lorenzana sa lahat ng mga nag-alala sa kanyang sitwasyon.

Read More:  ‘Too late’: Panelo says damage to impeachment witnesses already done

Samantala, kinumusta siya ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher ‘Bong’ Go sa isang video call. (ARGIE ERGINA)