Van, naaksidente nang makatulog umano ang drayber

Sugatan ang driver matapos na maaksidente ang van na minamaneho nito sa National Highway ng Barangay Malcampo, Roxas Palawan.

Kinilala ng Roxas PNP ang driver ng van na isang 60 anyos na taga- Puerto Princesa.

Read More:  Passenger van catches fire along Davao-Bukidnon Road in Davao City

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na mula sa Puerto Princesa at patungo na sana sa bayan ng El Nido  nang makatulog umano ang driver at maaksidente ganap na alas-singko kanina, June 11, 2022.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Samantala, dinala ang drayber sa ospital na ngayon ay nasa maayos na kalagayan habang nasa maayos na kalagayan  din ang dalawa nitong pasahero.