E-sabong ng mga gagamba, nagsimula na namang umusbong sa bansa

Bukod sa e-sabong ng mga manok kung saan maraming Pilipino ang nalulong ay nagsimula na namang umusbong ang e-sabong ng mga gagamba sa bansa.

Inamin ng ilang mga naglalaro nito na umabot na sa libo-libong piso ang ipinusta nila kung saan binibigyan umano nila ng bitamina ang mga alagang gagamba.

Read More:  PSC Chair Gregorio: Where’s Tab Baldwin?

Nagbabala naman ang Philippine National Police (PNP) na ilegal ito sa ilalim ng PD 1602 kung saan sinasabi na ang anumang laro na may kasama ng pustahan ay maituturing na illegal gambling.

Read More:  Sotto confirms Senate threat, Cayetano asks why some senators were not informed

Samantala, sinabi ni Police Colonel Jean Fajardo na may kakaharaping kaso ang sinumang mahuhuling indibidwal na naglalaro ng ilegal na pagsusugal. (ARGIE ERGINA)