Ika-9 sa listahan ng Provincial Most Wanted Persons sa Camarines Norte, arestado sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Naaresto ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa pamamagitan ng Manhunt Charlie Operation ang isang 18-anyos na binata na may kasong pangagahasa at ika-9 sa listahan ng Provincial Most Wanted Persons sa probinsiya ng Camarines Norte

Ang operasyon ay ikinasa dakong 6:10 ng gabi nitong Hunyo 8, 2022 sa Jollibee Parking Lot, Brgy VI, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Kinilala itong si alyas ATOY, 18 anyos, isang minero at residente ng P1 Brgy Sta Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines, Norte.

Si ATOY ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape in relation to RA 7610 na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng Branch 5, Family Court, Daet, Camarines Norte noong May 24, 2022 at walang rekomendadong piyansa.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Nakakustodiya ngayon ang naarestong si alyas Atoy sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon