Pagputok ng Mt. Bulusan sa Sorsogon hindi makakaapekto sapag alburuto ng bulkan Mayon sa Albay

LEGAZPI CITY – Ikinababahala umano ng mga Albayano ang posibilidad na pag-alburuto rin ng Bulkan Mayon sa Albay matapos ang pagputok ng Bulkan Bulusan sa Sorsogon.

Ayon kay Director Paul Aranis, Senior Science Research Specialist ng Philippine Institute of volcanolgy and seismology (PHILVOCS) National Office, malayong pumutok rin ang Bulkan Mayon matapos sumabog kahapon ang Bulkan Bulusan sa Sorsogon.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Aniya, napakalayo ng Bulusan sa bulkan Mayon sa Albay at iba rin ang pinanggagalingan nito na pinag-iimbakan ng magma, kung kaya’t napakaimposible umano na kapag pumutok ang bulkan bulusan at sasaboh rin sa mga susunod na araw ang Mayon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nilinaw din nito, walang kinalaman ang mainit na panahon sa pagputok ng Bulusan.

Sa ngayon ay minomonitor pa rin ng ahensya ang nasabing bulkan upang malaman kung may pagbabago sa alert level 1 Sinabi ng opisyal, ang Bulkan Mayon sa Albay ay nananatiling nasa alert level.