LGU may paalala sa mga deboto ng Poong Nazareno na dumarayo sa Tulay na Bato sa bayan ng Basud tuwing Biyernes

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ang mga debotong dumarayo tuwing Biyernes sa dambana ng Poong Nazareno sa Tulay na Bato Chapel sa bayan ng Basud, Camarines Norte na sundin ang health protocols kontra COVID- 19.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco bagamat pinahihintulutan na ang pagdarasal sa loob ng kapilya na mahigit dalawang taong isinara ay dapat pa ring isaisip palagi ang pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit.

Matatandaan na dahil sa COVID- 19  pandemic ay isinara ang kapilya at noong nasa ilalim nang mahigpit na restriction ang lalawigan ay ipinagbawal din ang dekada nang tiangge o “Biyernesan” sa lugar.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Nang lumuwag ang restriction ay unti- unting pinayagan ang tiangge hanggang sa muli itong makabalik sa dati.

Pero nanatiling sarado ang kapilya sa hiling na rin ng pamunuan ng simbahan.

Ngayong pinayagan na uli ang pagpapasok sa loob at pagdarasal ng mga deboto pinatitiyak ng Alkalde sa mga pulis at Barangay Tanod na mahigpit na naipapatupad ang health protocol.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Handa na rin umano ang naturang bayan na maibaba sa Alert Level 1 dahil halos naabot na nito ang herd immunity.

Nasa 79. 9 percent na kasi ang COVID- 19 immunization coverage nito.

Mataas na rin ang vaccination coverage sa Senior Citizen sa naturang bayan na nasa 76 percent.

Kailangang maabot ang 80 percent na vaccination coverage sa target population gayundin sa senior citizen upang maisailalim sa pinakamababang  Alert Level ang isang lugar.